Tara na't umahon sa Antipolo at manalangin kasama ng Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay (Nuestra Senora de la Paz y Buen Viaje) o Our Lady of Peace and Good Voyage (Birhen ng Antipolo). Alamin ang kasaysayan ng debosyong ito at palalimin ang iyong pag-ibig kay Maria gamit ang mga panalangin at nobena sa koleksyong ito.
4 sessions
1Sino ang Birhen ng Antipolo?Kilalanin natin ang Mahal na Birhen ng Antipolo o ang Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay. Alamin ang matingkad nitong kwento, kanyang mga mirakulo, at kung paano niya kinakanlong ang ating bayan bilang ating Ina.Kasaysayan ng Malalim na Debosyon ng Mga Pilipino15 min
2Panalangin sa Birhen ng AntipoloSabayan natin si Bishop Ruperto Santos (Obispo ng Antipolo) o Fr. Nante Tolentino (Rektor ng Antipolo Cathedral) sa isang panalangin para sa Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay. Mayroon itong English at Filipino version.Hingin natin ang panalangin ni Maria3 min
3Pagtatalaga sa Birhen ng AntipoloAng panalangin ng pagtatalaga o consecration ay isang makapangyarihang gawain kung saan inaalay natin ang lahat ng ating mga pangarap, pangangailangan, kasiyahan, at kalungkutan kay Maria upang higit niya tayong mailapit sa kanyang anak na si Hesus. Maaari mong gawin ang panalanging ito sa Ingles at Filipino.Kay Hesus sa Pamamagitan ni Maria3-4 min
4Ang Litanya ng Birhen ng AntipoloAng litanya ay isang matandang panalangin na nagbibigay sa atin ng pagkakataon na pagnilayan ang iba’t ibang aspeto ng kabanalan ni Maria upang matularan natin siya. Mayroon itong English at Filipino version.Manalangin tayo sa Mahal na Birhen6-7 min