Nahihirapan ka rin bang magdasal? Gusto mo rin bang masubukang magnilay pero hindi mo alam kung paano sisimulan? Sa pamamagitan ng 9 na sesyon sa challenge na ito, gagabayan ka namin sa tatlong pamamaraan ng pagdarasal: ang pagninilay, examen, at lectio divina. Handa ka na ba? Magsimula na tayo.
9 sessioni
1Katahimikan kasama ng DiyosSa Intro Challenge na ito, tutuklasin natin ang mga kaparaanan upang tayo ay mapalapit sa Diyos sa pamamagitan ng pagdarasal. Unahin natin ang pag-upo sa katahimikan kasama ng Panginoon.Kristiyanong Pagninilay10-17 min
2Pagbubukas ng Pinto sa DiyosPatuloy nating palalalimin ang ating pakikipag-ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng Pagninilay. Maari mo ring gamitin ang journal feature ng Hallow app matapos ang bawat session. Kristiyanong Pagninilay7-14 min
3Inangat ng PanginoonSa session na ito, gagamitin natin ang mga natutunan natin sa pagninilay sa ating pakikipag-ugnayan sa Espiritu Santo. Inaanyayahan ka naming ibahagi ang iyong mga na-realize sa Share feature ng app.Kristiyanong Pagninilay7-15 min
4Pagninilay sa Iyong ArawSa susunod na tatlong sesyon, matututunan nating makita ang presensya ng Diyos sa ating buhay gamit ang pananalanging tinawag na Examen. Ang Examen10-16 min
5Pagninilay sa PasasalamatAng pusong mapagpasalamat ay higit na makakakilala sa Diyos. Sa sesyon na ito, sanayin natin ang ating mga sarili na makita ang grasya at pagpapala ng Diyos kahit sa maliliit na bagay.Ang Examen9-16 min
6Pagninilay sa mga PagsubokNgayon naman, pagtutuunan natin ng pansin ang ating mga pagsubok na dinaanan sa buhay at hihingin natin ang gabay ng Espiritu Santo upang makita ang kamay ng Panginoon sa mga kaganapang ito.Ang Examen8-16 min
7Pakikipag-usap sa DiyosSa huling tatlong sesyon ng ating challenge, sasanayin naman natin ang ating mga sarili na gawin ang Lectio Divina, isang uri ng pananalangin gamit ang mga talata mula sa Bibliya. Ang Lectio Divina9-16 min
8Biswal na PananalanginIpagpatuloy natin ang pakikipag-usap sa Diyos gamit ang Lectio Divina. Ngayon naman, makikipag-usap tayo sa Panginoon gamit ang ating imahinasyon.Ang Lectio Divina9-17 min
9Ilaw ng SanlibutanCongratulations! Narito ka na sa huling sesyon ng ating challenge. Muli nating sanayin ang ating sarili sa pananalangin gamit ang Lectio Divina. Pagkatapos ng challenge, ipagpatuloy mo lamang ito.Ang Lectio Divina10-18 min